Press "Enter" to skip to content

Andrea Torres reveals she started dating again

Halos isang taon na mula nang maghiwalay sina Andrea Torres at Derek Ramsay.

Si Derek ay malapit nang ikasal sa fiancée nitong si Ellen Adarna.

Si Andrea naman ay matagal na ring naka-move on sa hiwalayan nila.

Nakikipag-date na rin ba ang Kapuso actress?

Rebelasyon ni Andrea, “Ako po, nag-start na, kaso po nagka-ECQ [enhanced community quarantine], so medyo naudlot.

“So, tingnan po natin ulit ngayong kaka-end na ulit nung ECQ, medyo lumuwang-luwang na ulit. Baka masingit po ulit.”

November 2020 nalaman ng publiko na nagkalamat ang relasyon nina Andrea at Derek matapos nilang magbura ng kanilang mga larawan sa kani-kanilang Instagram accounts.

Pero nagpakita ng katatagan si Andrea sa gitna ng pagsubok na pinagdaanan.

Paano ba niya na-handle ang ganung sitwasyon?

“It helps na huwag ka kaagad kikilos kapag emotional ka.

“Isa yun sa mga naturo rin sa akin ng parents ko, na parang kung masyado kang galit, kung masyado kang hurt, minsan kahit masyado kang happy, huwag ka munang kikilos.

“Parang hayaan mo munang kumalma lahat kasi dun ka makakapag-decide nang maayos,” saad ng 31-year-old actress.

Pero naniwala pa rin naman daw si Andrea sa fairy tale.

May kilig na sabi niya, “Oh, yes. Andiyan siya, paparating na.”

Ngayong nalalapit na ang kasal ng kanyang ex-boyfriend, may mensahe ba siyang nais iparating kay Derek?

Atubiling sagot ni Andrea, “Naku, feeling ko kasi wala na ako sa posisyon para magsalita kasi naano ko na rin naman, kumbaga, nahiwalay ko na rin yung sarili ko sa buhay niya.

“So, yun, ayoko na lang pong mag-comment.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team si Andrea noong Lunes, October 11, para sa promo ng WeTV series nila ni Kylie Padilla na BetCin.

Mapapanood ang BetCin sa streaming apps ng WeTV at iFlix simula sa Biyernes, October 15.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.