Press "Enter" to skip to content

Ex ng mapangmolestiyang aktor, nagsisisi sa bulag na pag-ibig dito

Malabo nang makabalik sa kanyang home network ang aktor na nagkaroon ng mga patung-patong na kaso dahil sa mga tao na binigyan niya ng malalaking problema.

Nasangkot sa kaso ng pangmomolestya ang aktor at ayon ito sa kanyang ex-girlfriend na alam ang buong kuwento dahil kasama siya nang sampahan ng kaso ng complainant ang dating karelasyon niya.

Menor de edad ang biktima ng aktor na agad na inalis sa show na kinabibilangan nang malaman ng television network management ang demanda laban sa kanya.

Sinabi ng ex-girlfriend na hindi nalaman ng publiko ang balita tungkol sa reklamo na pang-aabuso laban sa former boyfriend niya dahil pinagtakpan umano ito ng mga nangangalaga noon sa showbiz career ng aktor.

Marami ang nanghihinayang sa nangyari sa aktor dahil pinakawalan nito ang maraming pagkakataon na ibinigay sa kanya.

Mula nang masangkot siya sa kaso ng pang-aabuso sa isang menor de edad, hindi na binigyan ang aktor ng mga proyekto ng kanyang mother studio, kahit hindi pa expired ang exclusive contract niya.

Humantong sa hiwalayan ang relasyon ng aktor at ng ex-girlfriend na nagsisisi ngayon dahil mali ang lalaking kanyang ipinaglaban at pinrotektahan noon.

May dahilan para magsisi ang ex-girlfriend na nabulag noon sa sobrang pagmamahal dahil natuklasan nito na totoo ang lahat ng mga kasalanan na ibinibintang sa aktor na pinaniwalaan niya ang mga kasinungalingan na sinabi sa kanya.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.