Press "Enter" to skip to content

Falling Into Your Smile lead star Xu Kai, bet din ng Pinoy fans

Ang original soundtrack album [OST] ng Falling Into Your Smile ang isa sa mga sinasabing dahilan kaya tinangkilik ng publiko at nagtagumpay ang nabanggit na Chinese drama series na tumalo sa ibang mga on-air Chinese at Korean drama na napapanood sa Chinese streaming platform na WeTV.

Idineklara ng WeTV noong August 2021 na ang Falling Into Your Smile ang pinakamainit at pinapanood na series sa mga rehiyon dahil sa IMDB rating nito na 9.1.

Star-studded ang OST ng Falling Into Your Smile pero bago ang global release nito noong July 30, 2021, inilabas muna ng New Style Media Group ang behind-the-scenes (BTS) video sa kanilang sariling YouTube Channel.

Ang BTS video ang nagbigay ng idea sa mga producer ng Falling Into Your Smile sa mga artist na kinuha nila para maging ng bahagi ng OST gaya nina Xu Kai, Cheng Xiao, Seventeen, WayV, Angela Zhang, Chen Zhuoxuan ng BonBon Girls 303, Zhai Xiaowen, FrankiD, Gao Han, Lara Liang, Naomi Wong at Air League Band.

Lead star ng Falling Into Your Smile ang 26-year-old Chinese actor na si Xu Kai na nakagugulat malamang kilala rin ng Filipino fans at ikinukumpara sa mga sikat na Korean star.

Si Xu Kai ang kumanta ng “Soulmate,” ang love song na ginawa lamang para sa kanyang karakter na si Lu Sicheng.

Ikinuwento ni Joshua Hong, ang lead vocalist ng K-pop boy group na Seventeen na nahirapan sila ng kanyang mga kasama nang i-record nila sa Chinese language ang “Warrior” na kabilang din sa OST ng Falling Into Your Smile at isang malaking sorpresa na popular din sa Pinoy fans.

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.