Press "Enter" to skip to content

Herlene “Hipon Girl” Budol effortless ang paghagulgol

Tila bumaha ng luha sa set ng Magpakailanman dahil sa paghagulgol ni Herlene “Hipon Girl” Budol.

Tampok ang kanyang life story ngayong Sabado, October 23, 2021. sa episode na pinamagatang “A Girl Named Hipon: The Herlene Budol Story.”

Gaganap si Herlene as herself, kasama sina Maureen Larrazabal, Maxine Medina at Gardo Versoza.

Kuwento ni Herlene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Opo, kasi buhay ko po yun, e!

“Kaya parang siguro po ano, talagang grabe iyak ko kasi nag-flashback siguro sa utak ko, true-to-life po kasi kaya hagulgol na malupit!”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Herlene kung totoo ang balitang naubos ang lahat ng kinita at ipon isa pag-aartista.

“Panoorin niyo na lang po sa Magpakailanman,” ang pambibitin na sagot ni Herlene kahit pa isiniwalat na niya ito sa panayam niya kay Toni Gonzaga.

Ang naturang epsiode ay sa pananaliksik ni Angel Launo, sa panulat ni Vienuel Ello, at sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Pangalawang Magpakailanman stint ito ni Herlene. Una siyang napanood sa naturang programa ni Ms. Mel Tiangco noong November 30, 2019 bilang si Jenny sa episode na “Yaya Dubai & I.”

HERLENE ON DOING EMOTIONAL SCENES

Samantala, kasama rin si Herlene sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye. Marami rin siyang emotional scenes dito.

Aniya, “Kahit dito po sa Never Say Goodbye, hindi ko rin po naiwasan na hindi po matigil yung iyak ko. Sabi nga nila Mama Mosang, ano nga daw po, hindi ko pa daw po kayang kontrolin yung emotional, emotion.

“Na nadadala ko pa din po yung mga hugot ko sa buhay kaya grabe po yung iyak ko, na pag humugot po ako.”

Ano ang pinaghuhugutan niya sa kanyang buhay para maiyak nang husto?

“Siyempre po yung pamilya, lahat naman po siguro tayo weakness po natin ang pamilya. So kapag po naiisip ko yung mga pinagdaanan ko sa buhay, kagaya ng hiwalay po yung mama at papa ko, na parang ano po. Wala pong nag-aalaga po sa akin simula po nung bata po ako, dun pa lang po yung hugot ko na parang wala akong pagmamahal…Walang pagmamahal, ang sakit naman nun,” sambit niya saka siya tumawa.

Pero iyon raw talaga iniisip niya kung gusto niyang umiyak.

“Na parang kulang po ako sa atensiyon ng mga magulang, parang dun pa lang naiiyak na po ako pag naisip ko po na yung in character po ako dun sa, dito sa Never Say Goodbye.”

Aminado naman si Herlene na kapag umiyak na siya ay nahihirapan pa siyang kontrolin ang emosyon.

Kuwento niya, “Parang napapasok ko po yung sarili kong buhay po dito sa Never Say Goodbye kapag umiiyak po ako.

“Kasi mag-iisip po ako ng mga bagay na malulungkot ‘tapos hanggang sa lumala na nang lumala nang lumala.

“Ang pangit na ng nangyayari sa utak ko, ayun po yung pinaghuhugutan ko.

“Pero turo po sa akin ni Mama Mosang, dapat po pag nagkaroon ka ng character. Dapat po isipin mo yung character mo po mismo, hindi po yung buhay mo kasi mapapraning ka po!”

Nakausap ng PEP.ph si Herlene sa Zoom mediacon ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye na pinagbibidahan nina Klea Pineda bilang Joyce at Jak Roberto bilang Bruce.

Kasama rin sa cast si Lauren Young as Victoria, Snooky Serna as Susan, Shermaine Santiago as Dr. Darla, Max Eigenmann as Jackilyn, Kim Rodriguez as Lily, Art Acuna as Bernard, Phytos Ramirez as Joshua, Mosang as Nay Cora, Luke Conde as Edwin, at si Herlene as Alana.

Ito ay sa direksiyon nina Paul Sta. Ana at associate director Pam Miras.

Napapanood ang Stories from the Heart: Never Say Goodbye weekdays pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.