Press "Enter" to skip to content

Is Kris Aquino engaged to former DILG Secretary Mel Sarmiento?

Engaged na ba si Kristine Bernadette “Kris” Aquino sa napapabalitang kasintahan nito at dating Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Mel Senen Sevilla Sarmiento?

Ngayong araw, nag-post si Kris ng isang 55-second Instagram video kung saan makikita ang iba’t ibang pink na bulaklak at mga lobo.

Gamit pa ni Kris bilang background music ang kanta ng Savage Garden na “I Knew I Loved You.”

Sa 13-second mark ng video ay makikitang magkasama na sina Mel at Kris. Nakasuot ng pink si Mel habang nakaitim naman si Kris.

Makikita ring nakakapit si Kris sa braso ni Mel at nakangiti ang dalawa.

Sa umpisa ay hindi pa masyadong marinig ang sinasabi ni Kris dahil nasasapawan ng background music pero makikitang nagha-hi si Mel sa video pagkatapos itong tignan ni Kris.

Pero tila nagkamali si Mel kaya natawa si Kris at ang kumukuha ng video.

Pagkatapos nito ay parang nagtalo pa ang dalawa kung sino ang mauunang magsalita sa video.

Nakangiting sabi ni Kris kay Mel, “Anong ikaw ang mauna, this is rolling!”

Sabi ni Mel, “Hindi ako pang-showbiz, e!”

Pang-aasar naman ni Kris, “Ewan ko sa ‘yo!”

Natapos ang video nang sinabi ni Kris na magte-take two sila sa paggawa ng video.

“LOOKING FORWARD NA ‘KONG MAGING SARMIENTO”

Sa caption naman, sinabi ni Kris na pinagdiskusyunan ni Mel at talagang pinag-isipan niya bago ibahagi ang parteng ito ng kanyang buhay sa kanyang followers, pero marami na raw kasing nangungumusta sa kanya dahil matagal siyang nawala.

Aminado rin si Kris na kapansin-pansin ang pagpayat niya dahil sa “pandemic and many stressful events” na nangyari sa kanya simula mid-August.

Apat na buwan na rin ang nakakaraan mula nung biglang pagpanaw ng nakakatandang kapatid ni Kris, ang yumaong dating presidenteng si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Pero ayon kay Kris, sinigurado raw ng kanyang kuya na may magbabantay sa kanyang “bunso.”

Tinawag din niyang “matchmaker in heaven” ang yumaong kapatid dahil natuto na raw si Kris na mag-“obey.”

Ani Kris (published as is), “And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

“Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, ‘kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, ‘bunso’ has learned to obey.”

Sa sumunod na mga linya ng kanyang caption, naka-address na ito kay Mel na tinawag niyang “bestfriend” at “the man i said yes to spending the rest of my life with.”

Saad ni Kris (published as is), “To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.”

Si Noynoy din daw ang naging daan upang mag-reconnect sila ni Mel, kaya nagpapasalamat siya dito.

Patuloy ni Kris, “We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

“But THANK YOU, you must have known how broken i’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan- kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.”

Sa dulo ng kanyang caption, sinabi ni Kris na mananataling pribado ang kahit anong tungkol sa kanilang personal na buhay pero sa huli, nagsabi siyang “looking forward” na siyang “maging Sarmiento.”

Ito ang naging pahiwatig na maaaring engaged na si Kris at Mel.

Kabuuan ng sinabi ni Kris dito (published as is), “We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

Ito rin ang unang pagkakataong nag-post si Kris tungkol sa relasyon nila ni Sarmiento.

August 2021 unang napabalitang maaaring may relasyong namamagitan kina Kris at Mel.

Noong August 11, may mystery man na binati si Kris ng happy birthday sa Instagram. Nagpasalamat din ang TV host sa pagdating nito sa buhay niya.

Sa caption, sinabi ni Kris na dumating ang lalaking ito sa buhay niya sa panahong may pinagdadaanan siya at gusto rin daw ito ng anak niyang si Bimby Aquino Yap.

Sinabi rin niyang “#special” ang lalaking ito sa kanya.

Nang magsimulang manghula ang netizens kung sino ang lalaking tinutukoy niya, sinagot ni Kris ang isang netizen na sinasabing hindi na nila kailangang manghula.

Ani Kris, nasa comments section lang daw ito at hiniram ang phone niya para mag-reply sa isang troll.

Madali namang nakitang sumagot nga ang dating DILG secretary sa isang basher gamit ang account ni Kris.

CELEBRITY FRIENDS CONGRATULATE KRIS

Marami namang celebrity friends at followers ang nagpahayag ng pagkatuwa sa pagpu-post ni Kris tungkol sa kanyang bagong karelasyon.

Kabilang dito ang mga kaibigan niyang sina Kim Chiu, Pokwang, Angel Locsin, K Brosas, Miles Ocampo, Anne Curtis, Mariel Rodriguez, Moira dela Torre, at marami pang iba.

Si Mel Sarmineto ay nagsilbing DILG secretary mula September 2015 hanggang June 30, 2016, sa ilalim ng pamumuno ng namayapang dating Pangulong Noynoy Aquino.

Naging kongresista rin si Mel ng unang distrito ng Samar mula 2010 hanggang 2015, at alkalde ng Calbayog City mula 2001 hanggang 2010.

Ipinanganak siya noong August 11, 1962. Siya ay 59 years old.

Si Kris naman ay 50 taong gulang.

Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling naging karelasyon ni Kris sa showbiz ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Si Kris ay may dalawang anak na lalaki: si Joshua Aquino, na anak niya sa dating partner na si Phillip Salvador, at Bimby Aquino Yap, na anak niya sa ex-husband na si James Yap.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.