Press "Enter" to skip to content

Kiko Matos, inaming gumamit ng prosthetics sa frontal nudity

JERRY OLEA

Metro Manila Film Festival 2020 Best Actor si Paulo Avelino sa pelikulang Fan Girl, kung saan nagbuyangyang siya ng prosthetic na ari habang umiihi.

Ngayong 2021, ‘sanrekwang aktor ang walang kyeme latik sa pagpo-frontal nang wagas, pero dumarami rin ang nagbibihadhad ng pekeng private part.

Si Marco Gomez, tunay ang pagpo-frontal nang maglunoy sa dalampasigan sa pelikulang Silab. Pero siyempre, prosthetic ang ari niya na hiniwa at kinain ni Cloe Barreto sa climax ng istorya.

Si Kit Thompson, nagwasiwas ng prosthetic na ari sa Sarap Mong Patayin, at ipinahawak pa iyon sa nagmamagandang si Lassy Marquez.

Sa launching film ni Ana Jalandoni na Manipula, apat na lalaki ang nagpasilip ng prosthetic na ari, na isa-isang pinutol ng baguhang sexy star.

Ang mga ito ay sina Christian Vazquez, Marco Alcaraz, Mark Manicad, at Kiko Matos, na gumanap bilang rapists.

“Ako po yung first kill ni Ana, si Amante,” pagsisiwalat ni Kiko ng kanyang role sa presscon ng Manipula nitong Oktubre 23, Sabado, sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City.

“Si Amante, hindi niya alam na papatayin siya. And I guess, dun nag-set yung story. Dun nagsimula kay Amante. Dun niyo malalaman na, ‘Ahh, she’s out for her revenge.”http://www.pmrsc.com/”

May sexy scene ba sila?

“Hindi sexy yung sa akin, e. Pornographic yung akin, e.

“May ginawa kami ni Ana na medyo physical kaya naging pornographic yung aking… Kasi kung sexy, you show skin, you seduce.

“Sa amin, hindi, e. We were… we were animals! Animals, yes. So, that’s why there’s nothing special about my role. It’s really just pornographic.

“It’s really graphic and ano, it’s wild. Pasabog. Basta, pag nakita niyo na lang, sana matuwa kayo sa ginawa namin,” natatawang sambit ni Kiko.

Nag-frontal si Kiko nang totoo sa Cinemalaya 2018 short film na You, Me and Mr. Wiggles, sa direksiyon ni Jay Velasco.

“Willing naman po ako na hindi mag-prosthetic dito sa Manipula. Kaya lang, puputulin kasi,” pagkunot-noo ni Kiko.

So, pumayag akong magpa-prosthetic.”

Sa mga susunod na project, handa siyang ipakita muli ang lahat?

Sagot ni Kiko: “It depends po sa story. I’m not closing my doors. But because I was able to do it before, I want to do it in a bigger scale. Kasi, short film lang po yun.

“So, if the story calls for it, then I’m willing to do it. I mean, sino pa ba ang willing gumawa ng ganito?

“Wala nang iba pa, Kiko Matos lang! Unless… unless… Aljur?!” pagmumuwestra ni Kiko sa katabing si Aljur Abrenica.

Sambot ni Aljur, “Baka next time… mga five years from now!”

Pagbibirong hamon ni Kiko, “Okay! Ano na?! Sinong producer diyan para sa movie namin ni Aljur… Espadahan!”

GORGY RULA

May karakter talaga ang mukha ni Kiko at maraming magagandang projects na puwedeng ibigay sa kanya.

May special participation siya sa Legal Wives, at alam ko na balak siyang kunin sa isa pang drama series sa GMA-7.

Mas okay kung dito muna siya sa pag-arte mag-focus, at itigil na muna ang pakikipagbakbakan niyang napapanood sa YouTube.

Nilinaw naman niya sa nakaraang presscon ng Manipula na hindi na siya involved sa Battle of the YouTubers Phiippines kung saan nasangkot pa ito sa isang gulo.

Pahinga raw muna siya sa ganun at mabuti ngang mag-focus muna siya sa kanyang acting career.

Pero bukas pa rin daw siya sa posibilidad na masasangkot pa rin siya ganung gulo. Malamang hinahanap-hanap pa rin niyang may makakasagupa pa siya uli.

“Ang natutunan ko po ay kung wala kang kaaway, wala kang ginagawang tama.

“Sa tingin ko po, basta pag along the way through our career or personal life, kapag wala kang nakakaaway, wala kang nakakasagupa, wala kang ginagawang tama.

“Rivalry and contradiction will come up as long as meron kang ginagawang pinaniniwalaan mo.

“So, I stand for everything that has happened in social media, in YouTube, wala akong… I do not regret anything. Pinanindigan ko lahat.

“Sa tingin ko po, hindi lang ito yung huli. I’m sure along the way, meron at meron pa rin akong nakakasagupa.

“Well, I guess it’s in my nature. Ang boring ng buhay ko pag walang drama,” pahayag ni Kiko Matos.

NOEL FERRER

Okay lang magsama sa pelikulang espadahan sina Kiko at Aljur.

Pero sana, with someone na sobra at kulang sa pag-arte, at least everything balances out. Good luck na lang!

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.