Press "Enter" to skip to content

Klea Pineda on Barbie Forteza’s “warning” to BF Jak Roberto: “Sigurado naman akong nagdyu-joke lang si Barbie.”

Nakarating din pala sa Kapuso star na si Klea Pineda ang mga naging hirit ng Kapuso prime-time princess na si Barbie Forteza sa boyfriend na si Jak Roberto.

Bago mag-lock-in taping si Jak para sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye, tila may naging warning si Barbie rito na mag-ingat dahil marami raw nagkaka-debelopan na mga artista sa lock-in taping.

Nagkataon na bukod kay Lauren Young, si Klea Pineda ang katambal ni Jak sa GMA Afternoon Prime na magsisimula ng mapanood sa Lunes, October 18.

“Well, sigurado naman akong nagdyu-joke lang si Barbie,” reaksiyon naman ni Klea.

“Alam ko naman na very professional na actress si Barbie. Yeah, totoo, maraming nagkaka-debelopan sa lock-in taping.

“Pero walang kahit na anong nangyari or kahit anong personal na bagay na nangyari sa lock-in taping dahil lahat kami doon, naka-focus sa trabaho. And gusto namin na matapos ang trabaho nang maayos.”

Sabi pa niya, “Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian or what. Pumunta kami sa lock-in taping para gumawa ng isang proyektong napakaganda.”

At nabalitaan nga rin daw niya ang sinabi ni Barbie.

“Nabalitaan ko yung warning-warning, but I think katatawanan nilang dalawa yun. Parang isa yun sa mga hiritan nila ni Jak and ni Barbie.

“And siguro naman, alam ko naman na maiintindihan ni Barbie kung ano ang trabaho ni Jak at si Jak naman, naiintindihan kung ano ang trabaho ni Barbie.”

KLEA AND JAK LEVEL UP THEIR DRAMA CHOPS

Nagkatrabaho na raw sila ni Jak dati, pero ito ang proyekto na masasabing pareho silang nabigyan ng oportunidad ni Jak na maipakita ang kakayahan nila sa heavy drama talaga.

Ito rin ang unang pagkakataon na magkatambal sila sa isang seryosong romance drama.

“Working with Jak, napakagaan,” pagmamalaki ni Klea.

“Kasi nga nagsusuportahan kami. On-cam, off-cam, nandiyan ang collaboration namin. Siyempre, hindi mawawala yun dahil yun ang napaka-importante.

“Siyempre, respeto namin sa trabaho sa isa’t isa dahil mabigat na nga yung eksena. Kung pahihirapan pa namin ang isa’t isa sa eksena, walang mangyayari.”

Dugtong pa niya, “So kailangan talaga naming mag-effort na dalawa para makabuo ng isang magandang eksena. Kaya nakakatuwa na very professional si Jak pagdating sa mga eksena. Pagdating sa set, alam mo na kabisado na namin yung mga linya namin para rin mapabilis ang mga trabaho.”

KLEA ON FINDING AND GIVING INSPIRATION DESPITE LIFE’S TRIALS

Sa Never Say Goodbye, nagkaroon ng final stage ng cancer ang character na ginagampanan ni Klea bilang si Joyce Kintanar.

Kung sa totoong buhay daw mangyari sa kanya ang ganitong sitwasyon, ilalaban pa rin daw niya na mabuhay pa siya.

“Siyempre lalaban ako,” saad niya.

“Lalaban ako dahil malinaw sa akin kung ano ang magiging epekto nito sa pamilya ko. Very close naman ang pamilya ko. Nanay at tatay ko at ang dalawa kong kapatid, so lalaban ako para sa kanila and siyempre, nakikita ko silang lumalaban.

“Napaka-unfair naman sa kanila kung ako mismo, susuko ako kaagad kung nakikita ko silang lumalaban at kung may nakikita pa akong pag-asa, bakit ako bibitaw? Bakit ako hihinto? Bakit ako gi-give up? Nasa rason mo iyan, e, kung bakit mo gustong lumaban.

“Kung malinaw sa iyo yun, you’re good to go. You’re good to stay with them. And kung malinaw sa iyo kung bakit ka binigyan ng ganitong challenge ni Lord.

“Hindi naman niya binibigay ang isang pagsubok sa isang tao, lalo na ngayong napapanahon ang pandemya natin, hindi naman niya ibibigay ang pagsubok na ito kung hindi natin malalagpasan at kung hindi natin kakayanin.”

Naniniwala rin daw kasi siya sa Diyos at sa kakayahan ng Panginoon.

“Naniniwala ako sa faith, sa kung anong milagro na kaya niyang gawin, okay ka. Magiging okay ka kasama yung pamilya mo.

“Kasi nawalan na rin ako ng lolo at lola ng dahil sa cancer at nakita ko silang lumaban. Nakita ko sila sa last day nila, nakita ko silang nahihirapan kaya yun din ang ginawa kong partly, hugot noong ginagawa namin ang seryeng ito, ang Never Say Goodbye.

“Because it’s about cancer, it’s about life. Lalo na daddy ko, lumaban din siya sa kidney transplant. Nanganib din ang buhay niya at muntik na rin siyang mawala sa amin.

“So, very close yung emotion, malapit ako sa nararamdaman ng character ko. It’s about giving hope. Pag-asa talaga sa mga taong nahihirapan. Sa mga taong gusto ng sumuko. Sa mga taong gusto ng tapusin ang buhay nila.

“Ito yung isa sa pag-asa nila. Kailangan nilang mapanood. Kailangan nilang ma-inspire. Kailangan nilang lumaban dahil hangga’t may buhay, laban lang tayo.”

KLEA GOES ALL OUT AS SERIOUS ACTRESS

Sa huli, tinanong namin si Klea kung sa palagay niya, makikilala na siya ng mga Kapuso viewers bilang isang seryosong actress kapag pinanood na ang mga madadramang eksena niya sa Never Say Goodbye.

“Ako, sa sarili ko, masasabi ko talagang naibigay ko lahat dito,” positibo niyang sagot.

“Very proud ako and grateful na ako yung naging parte ng Never Say Goodbye. Ako yung gumanap as Joyce. Kasi kahit ako, na-surprise ako sa naging resulta ng seryeng ito, sa nagawa ko, sa mga naipakita ko sa mga tao, sa director, sa buong production, sa management and nakakatuwa yung feedback na naririnig ko at nababasa ko.

“Kaya yeah, very proud ako sa show na ito at masasabi kong 100% or 200%, binigay ko sa show na ito.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.