Press "Enter" to skip to content

LJ Reyes di pa sigurado kung babalik ng Pinas, ayon kay Boy Abunda

Nakabalik na ng Pilipinas ang television host na si Boy Abunda mula sa kanyang biyahe sa Amerika dahil siya ang resident host ng The Outstanding Filipinos in America (TOFA) Awards.

Ginanap ang 11th edition ng TOFA Awards noong October 7, 2021 sa Carnegie Hall, New York City at nang matapos ito, nagkaroon ng pagkakataon si Boy na mainterbyu ang ilan sa mga kilalang Pilipino na naninirahan sa Amerika.

Kabilang si LJ Reyes sa mga nakausap ni Boy kaya nakipag-ugnayan ngayong Linggo ng gabi, October 24, ang Cabinet Files sa multi-awarded television host para makibalita tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng aktres na umalis sa Pilipinas noong August 2021 dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang live-in partner na si Paolo Contis.

Habang papunta sa Ninoy Aquino International Airport si LJ at ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer, tinawagan niya si Boy para sabihing magsasalita siya tungkol sa pagwawakas ng relasyon nila ni Paolo na ipinalabas noong September 1, 2021 sa The Boy Abunda Channel, ang YouTube Channel ni Boy.

Ikinuwento ni Boy sa Cabinet Files na naganap ang pag-uusap nila ni LJ noong October 10 sa The Buren, ang café bar sa Brooklyn, New York na pag-aari ng pamilya ng 33-year-old actress na pinag-aaralan ngayon ang pagpapatakbo sa kanilang negosyo.

“Ang tawag ay nag-i-immerse siya para mas matutunan niya yung negosyo but eventually, she wants to be more active in the job of managing the café because the sister has another job.

“May mga double job sila—yung sister, yung nanay niya—so ngayon, she wants to immerse in what she’s supposed to do. Parang kumbaga, management training.”

Pang-matagalan na ba ang pananatili ni LJ sa New York?

“Pinag-usapan namin iyan. Ang tanong ko, tanong ito ng lahat, are you going to stay, are you going to come back?

“Ang sabi niya, ‘I’m taking it one day at a time, Tito Boy. Talagang hindi ko alam. Hindi ko alam kung babalik pa ako. Hindi ko alam kung matagal ako dito. I have no answer to that.’

Nabanggit din ni Boy na hiningi nito ang reaksyon ni LJ tungkol sa hinala ng publiko na pinangalagaan niya si Paolo kaya hindi siya nagsalita tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.

“Marami ang nagsasabi na yung interbyu ni LJ, parang pinoproteksyonan pa rin niya si Paolo, mahal pa rin niya si Paolo Contis,” ani Boy.

“In-address din niya iyan na, ‘Hindi naman ganung kadali. Nagsama kayo ng anim na taon. Hindi ko naman sasabihin na wala nang pagmamahal, pero tapos na.’

“LJ didn’t realize na ang dami niyang kaibigan sa New York. She’s coping. May mga araw pa rin na bigla siyang umiiyak,” ang ilan sa mga kuwento na ibinahagi ni Boy sa Cabinet Files tungkol sa pagkikita nila ni LJ.

Bukod sa mga nabanggit na impormasyon, tinanong ni Boy si LJ tungkol kay Paulo Avelino, ang ama ng panganay na anak ng aktres at kung gumawa na ba ng paraan si Paolo Contis para makausap siya at ang kanilang anak na si Summer.

Ayon kay Boy, sinagot ni LJ ang lahat ng mga katanungan tungkol sa magkapangalang ama ng kanyang mga anak at ito ang highlight ng pag-uusap nila na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Channel sa darating na Miyerkules, October 27, 2021.

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.