Press "Enter" to skip to content

Maine Mendoza “speechless” because of Vic Sotto’s comment

“Speechless,” ang natatawa at tila nahihiya pa ring sagot ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa naging komento sa kanya ni Vic Sotto na “natural comedian” siya.

“Siyempre, yung marinig yung ganung salita from Bossing, hindi ko rin alam kung paano magre-react,” saad ni Maine.

“Kasi we’re always critical. Kapag meron tayong gagawing isang bagay, feeling natin hindi enough. Pero nakakatuwa na may nakaka-appreciate ng ginagawa natin.

“Thank you Bossing for the kind words! I love you po, naiiyak na nga ako kanina,” natawang sabi pa rin ni Maine.

MAINE ATTRIBUTES COMIC FLAIR TO VIC SOTTO

Sa naging online mediacon ng Daddy’s Gurl para sa kanilang ikatlong anibersaryo na magsisimula nang mapanood bukas, October 23, inamin ni Maine na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya masasabi na magaling nga siyang komedyante.

“Hindi po,” pagpapakumbaba niyang pahayag.

“Yun nga po parang sabi ko, every time na may gagawin tayo, you’re always the critic. Hindi mo alam kung na-deliver mo ba na tama.

“Pero yun po, kung ano man ang naipapakita ko ngayon, kung ano man yung growth na narating ko, I have Bossing to thank for that.

“Kasi dahil sa kanila rin naman po kung bakit ako nandito. They bring out the best in me.”

MAINE STILL FEELS INTIMIDATED ACTING ALONGSIDE BOSSING VIC

Natawa rin nitong inamin na mula umpisa ng career niya kunsaan isa na si Vic sa constant na kasama niya, kinakabahan pa rin daw siya kapag kaeksena niya ito.

Lahad niya, “Oo naman po, parang kahit kailan, hindi po yun mawawala. Parang hindi na po yun mawawala. Pero hindi naman po niya yun fault na intimidating siya.

“Parang talagang meron lang siyang ganung charm, si Bossing. Parang kapag nandiyan siya, hindi mo alam kung paano ka kikilos, ‘Hello po, Bossing!’ ‘Good afternoon po, Bossing!”

MAINE THANKFUL FOR WINDFALL OF BLESSINGS, PROJECTS

Sa ngayon, kahit may pandemya pa, hindi ito naging dahilan para mag-lie low siya sa kabisihan.

Bukod sa mga shows niya sa telebisyon, sunud-sunod pa rin ang mga endorsements na ginagawa niya.

Ayon kay Maine, “Parang kinakaya pa naman and yung management ko rin naman [Triple A], sobrang madali rin silang kausap at naiintindihan din nila na balance yung work.

“So kahit na maraming project na ginagawa and very blessed ako sa mga projects na inu-offer sa akin and sa mga brands and endorsements na dumarating, kinakaya naman siya.

“Siguro, time management lang din talaga and mindset din, sobrang laking bagay. Siyempre, ayaw naman nating ma-burn out kapag sobrang daming trabaho.

“But at the end of the day, nagpapasalamat tayo kasi maraming biyayang dumarating kahit na nasa gitna tayo ng pandemya.”

Tinanong nga namin si Maine kung mas na-appreciate niya ba ngayon ang trabaho na meron siya at kung ano ang mga na-discover niya sa sarili na kaya pala niyang gawin.

Aniya, “Siguro po ngayong ang daming nawalan ng trabaho, siguro po lahat tayo ngayon ay dapat magpasalamat sa mga biyayang dumarating sa atin.

“Hindi lang po sa mga projects kung hindi sa mga opportunities na dumarating pa sa akin. And sa dami po ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given.

“Kahit minsan, physically tiring and taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho, ang daming taong naghihirap ngayon and mas pahalagahan ko na lang kung ano ang meron ako imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally yung trabaho ko ngayon.”

MAINE ON “SCIENTIST MODE”

May nadiskubre raw si Maine ngayon na nakahiligan niyang gawin.

Pag-amin niya, “Hindi ko ito masyadong sinasabi, pero yun nga, I started doing D.I.Y. [do it yourself] stuff. Yung mga cosmetics. Ngayong lock-down, medyo scientist mode ako.

“Nahilig akong gumawa ng nga experiments instead na bumili and yun, sine-share ko sa mga kapatid ko and mga friends ko.

“And also this pandemic, I was able to spend more time with my family, lalo na sa mga pamangkin ko. At parang yun na yata ang pinakamatagal na stay ko sa Bulacan in the past six years. So masaya rin ako that I got to bond with my family.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.