Press "Enter" to skip to content

Miriam Quiambao, laking pasasalamat sa kanyang “miracle babies”

“Miracle babies” ang tawag ni 1999 Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao-Roberto sa dalawang anak nila ni Ardy Roberto dahil 43-years-old na siya nang isilang niya noong February 16, 2019 ang kanilang anak na si Elijah Roberto.

Noong July 12, 2021, muling biniyayaan ng Diyos ang mag-asawa ng anak dahil sa edad na 46, isinilang ng dating beauty queen si Ezekiel Isaiah o Baby Ziki.

Si Miriam ang nag-iisang babae sa kanilang tahanan dahil lalake rin si Joshua, ang panganay na anak ni Ardy sa unang asawa nitong namayapa noong January 5, 2013, kaya kung mamarapatin ng Panginoong Diyos, gusto niya na magkaroon ng anak na babae.

“Ay, sana! God-willing! Papabuntis pa ako, tapos girl naman, kasi wala naman imposible kay God.

“He gave us two miracle babies, why not a third?

“Pero siyempre, kung will ni God,” ang nakangiti at umaasang sabi ni Miriam nang makausap ng Cabinet Files sa pamamagitan ng virtual interview nang ipakilala siya bilang celebrity ambassador ng mWell, ang fully integrated health and wellness mobile app sa Pilipinas na inilunsad ng Metro Pacific Investments Corp.

“Kumusta ka na?” ang unang tanong namin kay Miriam dahil maraming hamon ang pagsisilang niya ng sanggol sa panahon ng coronavirus pandemic.

“Sobrang in the middle of the newborn phase ng pagiging nanay. Maraming mga time constraint kasi nga nagta-tandem feeding ako ngayon, yung toddler ko saka yung baby ko, nagpapadede ako.

“So parang I can hardly find time for myself to do anything else kasi nga my hands are full,” sagot ni Miriam.

“Buti na lang, yung husband ko, maya’t maya, niyayaya ako outside of the house para naman meron kaming date night.

“Kagaya kahapon, nag-swimming date kami so intentionally, kailangan ko talagang bigyan ng panahon yung sarili ko para may time ako for myself and for my husband. Otherwise, fully-occupied ako ng dalawang maliliit.

“Panahon ng pandemya, dalawa na silang pinagsasabay ko na alagaan pero kahit may challenge, nandoon pa rin yung joy kasi siyempre, having a baby is always a sign of hope and ngayong panahon ng pandemya, sa istorya ng maraming namamatay, maraming nagkakasakit, hindi natin alam kung kailan pa siya matatapos so iyan ang kailangan natin ngayon, pag-asa.”

“Tandem feeding” ang tawag ni Miriam sa sabay na pagpapadede sa dalawang anak nila ni Ardy dahil bumalik sa pagdede si Elijah nang makita nito na dumedede si Baby Ziki sa kanya.

“One year and ten months pa lang siya [Elijah] noon and hindi pa ready to let go.

“Parang ngayon bumalik yung desire niya to breastfeed so nung nakikita ko na nagga-ganoon siya, sabi ko, ‘Would you like?’

“Pinatikim ko siya one time, ayan na. Naghanap kami ng strategy kasi mina-muscle niya yung kapatid niya. Yung tipong habang nagbe-breastfeed ako kay Baby Ziki, bigla siyang magka-climb over Baby Ziki, hahablutin niya yung ano ko…

“Kawawa naman yung baby kaya sabi ko, ‘Okay, tandem kayong dalawa.’

“So ayun, nag-tandem sila, para akong may kambal,” ang natatawang kuwento ni Miriam tungkol sa kanyang pambihirang karanasan bilang ina.

“Nagta-tandem feed ako so harapan sila. Nakikita ko, kapag hahawakan niya sa mukha yung kapatid niya, sasabihin ko, ‘Elijah gentle, soft hand.’

“’You may touch and stroke his hair softly or his back.’ Sumusunod naman si Elijah, meron siyang natututunan about gentleness, about soft touch.

“Minsan meron siyang ginagawa na he would cross the middle line. Sasabihin ko, ‘Okay this is your breast, this is Baby Ziki’s breast. This is your space. This is Baby Ziki’s space. You have to give Baby Ziki his space.’

“Natututo rin siya ng boundaries.I also noticed that he’s more gentle with Baby Ziki, he’s less violent and aggressive. Alam na niya yung sharing is caring pero kailangan pabor sa kanya.”

Base sa kanyang personal na karanasan, alam na alam ni Miriam ang mga panganib na kinakaharap ng mga kababaihan na nagbubuntis at nanganganak sa edad kuwarenta pataas, kaya nagbahagi siya ng mga kaalaman.

Detalye niyang pahayag, “Getting pregnant at your forties, yes there are risks but there are also ways to manage the risks.

“If you want to get pregnant and you’re already at the late stage, go ahead, by God’s Grace, God has already supplied us everything that we need.

“There are doctors and health care professionals that would guide us. There’s medicines that’s already been prepared and concocted in order to treat whatever illnesses that would come up and of course, protect yourself.

“Be extra, extra careful when going out of the house in this time of pandemic. If you need to consult, use the mWell app so you don’t have to expose yourself in the hospitals.

“Read articles there and learn about how you can better prepare yourself and manage your pregnancy and giving birth and if you need to order food and medicines, it’s all available in the app and it’s one way to protect yourself and your family from COVID-19.

“Bukod sa puwede kang mag-book ng healthcare online, kasi nakakatakot nga pumunta sa ospital, may feature na you can book a doctor, you can look for any kind of doctor, whether pediatrician, OB-Gyne.

“Tele-consultation na ang usapan ngayon unless required talaga na may physical examination, saka ka pa lang pupunta sa ospital.

“Meron din articles regarding health, relationships, food, anything that would actually interest a mom like me.”

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.