Press "Enter" to skip to content

Mocha Uson, ipinost ang larawan nila ni Robin Padilla; itinangging ina na siya

JERRY OLEA

“Idol Robin!”

Iyan ang caption ni Mocha Uson sa ipinost niyang litrato nila ni Robin Padilla nitong Oktubre 8, Biyernes ng hapon, sa kanyang official Facebook page.

Ngayon na lang uli nag-post si Mocha ng litrato nila ni Robin, na kagaya niya ay masugid na supporter ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Kung si Robin ay tatakbong senador, si Mocha ay first nominee para sa party-list na MOCHA (Mothers For Change).

Pasakalye ni Mocha nitong Biyernes ng dapithapon sa Facebook nang ipaliwanag ang party-list na tatakbuhan niya: “Hindi naman ako INA? Wala akong asawa, wala akong anak.. Tama po kyo… Pero meron akong INA… si DRA. Estrellita J. Uson.”

Pagkatapos ng ilang oras ay may dagdag paliwanag si Mocha sa kanyang pagtakbo, at iyon muli ang kanyang pasakalye.

Matatandaang bago nagtapos ang 2020 ay natsismis na nabuntis ni Robin si Mocha. Itinanggi iyon ni Mocha, maging ng asawa ni Robin na si Mariel Padilla.

Hindi ni-repost ni Robin ang litrato nila ni Mocha. Bagkus, ni-repost ni Robin sa Facebook ang pagsuporta sa kanya ni Mariel at ng iba pang naniniwala sa kakayahan niya.

Post ni Mariel sa Facebook at Instagram nitong Friday night kaugnay sa kanyang asawa: “Robin is not hungry for money or power. He is at a point in his life wherein he just wants to make a difference.

“Put action to all his complains. Speak for the muslims. Behind you, beside you and with you all the way @robinhoodpadilla”

GORGY RULA

Lahat ay may karapatang tumakbo. Pero kailangan lang mag-ingat at baka madapa.

Hindi ko na pansin ang mga tumaas ang kilay kung bakit Mothers for Change, kung hindi pa naman siya ina. Para maisingit lang talaga ang Mocha.

Pero mas marami ang tumaas ang kilay at nagtataka bakit sumali riyan si Michele Gumabao.

Dating congressman ang ama niyang si Dennis Roldan, at siguro si Michele ang nagmana sa kanya.

Ang dami pang bagong party-list ang nag-file sa Comelec. Bahala na ang taumbayan.

Hay, buhay!

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy! Lahat naman ay may karapatang tumakbo. Pero sana, may minumum test.

Kung driver nga, bago ka magkalisensiya, kailangang may driving test. O bago ka maging doktor, may medical board.

Sana may minimum requirement ang mga mambabatas na dapat may alam sa batas at parliamentary procedures para hindi sila nag-o-on the job training.

Oh well, bahala na ang mga tao na pumili, pero sorry, wala sa listahan ko ang party-list ni Mocha o mga gustong maging mambabatas na kasamang nagpapahirap at nanloloko sa ating mga Pilipino—at ang pinaglilingkuran ay ang kanilang amo at hindi ang nakararaming taumbayan.

Sorry.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.