Press "Enter" to skip to content

Netizens dismayed with Brenda Mage for his inappropriate joke to PBB housemate Eian Rances

Hindi ikinatuwa ng netizens ang inappropriate joke na binitawan ng komedyante at Pinoy Big Brother housemate na si Brenda Mage sa kapwa housemate nitong si Eian Rances.

Isang video clip ang kumakalat ngayon sa social media na galing sa Kumu livestream ng Pinoy Big Brother kung saan makikitang nag-uusap sina Brenda at Eian.

Nakahiga si Brenda at nakatalikod sa kamera habang si Eian naman ay nakasandal sa pader.

Sa umpisa ng 55-second video clip, maririnig si Brenda na sinasabi kay Eian, “Sige na, kahit isang beses lang.”

Nakatawang napatingin si Eian kay Brenda at napakamot sa ulo.

Habang tumatawa, ang sinabi lang ni Eian kay Brenda, “Gusto ko yung mukha mo…”

Sumunod na tanong ni Brenda, “Paano ‘pag nag-inuman tayo ‘tapos paggising mo, hawak ko na, lasing ka?”

Nakangiting nakatingin pa rin si Eian kay Brenda at napakamot ulit sa kanyang batok.

Nang mapakamot ay sumagot na si Eian kay Brenda: “Huwag naman ganun.”

Patuloy na pagtatanong ni Brenda, “Paano ‘pag nalasing tayo? Tuloy o tigil?”

Habang nagkakamot ng likod at nakangiti, inulit ni Eian ang una niyang sinabi, “Huwag naman ganun.”

Pero tila biglang nag-sink in kay Eian ang huling tanong ni Brenda kaya napasabi siyang, “Hawak mo na, anong tuloy o tigil?!” Pero nananatiling natatawa si Eian.

Tanong muli ni Brenda, “Kaya nga, hawak ko na. Tuloy o tigil?”

Seryoso nang tugon ni Eian sa kanya, “Huwag kang ganun, masama yun kasi… hindi lang sa akin huwag mong gagawin yun.”

Subalit nagpatuloy si Brenda sa pagtatanong kay Eian: “Kaya nga, anong gagawin mo nga?”

Natawang sagot ni Eian, “Hawak mo na, e.”

Hindi pa rin natapos ang komedyante sa pagtatanong kay Eian.

Tanong muli ni Brenda, “Kaya nga, hawak ko pa lang naman, e. Tuloy o tigil?”

Nakangiti pa rin si Eian pero seryoso na ang tono nito sa pagsagot sa mga tanong ni Brenda.

Sabi niya, “Anong tuloy o tigil? Una sa lahat huwag mong gagawin yung hawakan mo.”

Pero pilit pa ring tanong ni Brenda, “Kaya nga, paano nga? Ako, na-carried away…”

Tugon ni Eian, “Ah, masisira yung ano natin noon…”

Muling tanong ni Brenda, “Okey lang. Tuloy o tigil?”

Natatawa nang sagot ni Eian, “Tigil. Tigil. Magkakaupakan tayo. Ha-ha!”

Sabi lang ni Brenda dito, “Okey lang, nabuhay naman ako nang wala ka.”

Kumalat ang video clip nang i-repost ng TikTok user na si @jairusmartin08 ang pag-uusap nina Brenda at Eian.

@jairusmartin08

#brendamage #pbbconnect #pbbcelebrityedition #pbbkumunect #pbbhousemates

? original sound – Jayii Martin

Wala namang direktang nabanggit sina Brenda at Eian sa kanilang pag-uusap kung ano ang tinutukoy ng komedyante tungkol sa “tuloy o tigil” at kung ano ang sinasabi niyang hawak niya.

Pero base sa reaksyon ni Eian, madaling natukoy ng netizens na maaaring ang pinag-uusapan dito ay ang pribadong bahagi ng katawan ni Eian.

Kaya naman karamihan sa mga ito ay nag-comment ng pagkasuya at ipinahayag ang pagkadismaya sa inappropriate joke ni Brenda kay Eian.

Sabi ng ilang netizens, si Brenda pa naman daw sana ang bet nilang manalo sa PBB ngayong season.

May ilan namang nagbanggit na may karelasyon si Brenda sa labas ng bahay na nagpadala pa ng liham sa kanya nang pumasok siya sa PBB house.

Marami ring nagsasabing dapat patawan ng violation o ng forced eviction si Brenda dahil sa binitawan nitong joke kay Eian.

Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang sumunod na mga nangyari pagkatapos ng usapang ito nina Brenda at Eian.

Narito ang ilan sa comments sa TikTok:

Nakarating din sa Twitter ang nangyari kay Brenda kaya may ilang netizens ding nagpahayag ng kanilang saloobin:

Kabilang sina Brenda at Eian sa unang set ng celebrity housemates na pumasok sa loob ng bahay ni Kuya nang magbukas ito noong October 16, 2021.

Si Brenda, tinatawag na “Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro,” ay unang nakilala sa pagiging finalist ng “Miss Q&A” sa It’s Showtime.

Si Eian, ang tinaguriang “Striving Streamer ng Quezon,” ay isang talent ng Star Magic na nakilala sa kanyang streams sa video streaming app na Kumu.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.