Press "Enter" to skip to content

Noli de Castro resurfaces on Instagram after death hoax

Ilang oras matapos siyang “patayin” sa social media, nag-post sa kanyang Instagram ang beteranong broadkaster na si Noli “Kabayan” de Castro ngayong Miyerkules, October 27.

Martes ng gabi, October 26, kumalat ang ilang post sa social media na nagsasabing “pumanaw” na si Kabayang Noli matapos umanong madulas at ma-comatose bago ito namayapa.

Sa kanyang Instagram bago magtanghali, nag-post si Noli ng video ng kanyang koi pond.

Sabi niya sa caption, “Magandang umaga, Bayan. Pagpalain sana po ng Diyos ang inyong umaga, mga kabayan.”

Kasunod nito ang isang maiksing video ng kanyang signature phrase na nagsasabing, “I love you, Kabayan, I love you.”

Sa caption, tila nagpapahiwatig ng pagbabalik sa himpapawid ang radio and TV commentator.

Sabi niya, “Magandang Umaga, Bayan. Miss ko na kayo kabayan. Abangan.”

Nauna rito, pinabulaan din ng kanyang anak na si PTV General Manager and COO Kat de Castro ang balitang pumanaw na ang ama.

Katatapos lamang daw nilang naghapunan.

Buong post niya sa Facebook: “Hi everyone. My Dad’s absolutely fine. We just had dinner.”

Nilisan ni Noli ang kanyang TeleRadyo show na Kabayan at ang anchor duty sa TV Patrol ng ABS-CBN dahil sa kanyang balak na pagpalaot muli sa pulitika.

Tatakbo sanang senador ang dating bise presidente sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na Aksyon Demokratiko.

Makalipas ang limang araw, inatras niya ang kanyang kandidatura noong October 13.

Personal daw ang dahilan ng kanyang pag-urong sa pagtakbo.

Bahagi ng pahayag ni Noli sa kanyang withdrawal, “Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.

“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.”

May lumutang namang balitang may posibilidad na lilipat si Noli sa Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5, lalo pa’t kakaalis lang sa programa ni Raffy Tulfo na tatakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

HOT STORIES

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.