Press "Enter" to skip to content

Paolo Gumabao, bakit tinanggal sa Huwag Kang Mangamba?

JERRY OLEA

Inalis si Paolo Gumabao sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba, kung saan gumanap siya bilang Maximo.

“Natanggal po ako dahil may nangyari. Ahhm, sumama yung pakiramdam ko,” paliwanag ni Paolo noong Oktubre 21, Huwebes, via Zoom.

“Since last cycle na siya, ang nangyari na lang ay pinauwi nila ako. Kasi, hindi nila puwedeng i-risk na may COVID ako. Baka mahawa yung buong cast.”

Waley na si Maximo sa pagtatapos ng Huwag Kang Mangamba.

“Dapat andun ako. Ang dami pang dapat mangyayari sa karakter ko dun pero, yun nga, dahil sumama yung pakiramdam ko nung araw na yun, they had to send me home and have me swabbed.

“And sabi nila, regardless of the result, hindi na nila ako pinabalik.”

Nag-shoot kapagkuwan si Paolo ng Viva movie na Sisid sa Pola, Oriental Mindoro, kung saan zero COVID pa rin daw.

Co-stars ni Paolo sa Sisid sina Vince Rillon, Kylie Verzosa, Christine Bermas, at Irma Adlawan, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Ngayong Oktubre 26, Martes, nakapagtala ang Department of Health ng 4,393 karagdagang kaso ng COVID-19. Umabot na sa 2,765,672 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa bansa, kung saan 1.9% (53,642) ang aktibong kaso, 96.5% (2,669,953) na ang gumaling, at 1.52% (42,077) ang namatay.

Siyanga pala, nanganganib ang misyon nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) kay Bro sa Huwag Kang Mangamba.

Lumalaki ang sigalot sa pagitan ng mga nanampalataya at mga nagbubulag-bulagan. Magawa kaya nilang pagbuklurin ang buong Hermoso at ibalik ang pananalig ng mga tao kay Bro para masimulan na ang paghihilom ng bayan?

Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at iflix.

GORGY RULA

Tila nakasanayan na ng ilang produksiyon ang ganitong sitwasyon na kahit anong ingat, meron pa ring nagkakasakit.

Kaya ang ibang writers, may nakahanda nang script sakaling may magka-COVID sa isang unit. Pagkatapos ay ipapasa ang fallback na script para tuloy pa rin ang taping kahit naka-quarantine ang isang unit.

Ewan ko kung ganun ang ginagawa ng isang teleserye na merong nahawa na staff sa isang unit, tigil ang taping doon. Pero tuloy ang isang unit, at doon muna naka-focus ang kuwento.

At least, hindi napilay ang trabaho, tuloy pa rin ang taping at nakakapagbangko pa rin ng episodes. Pero pagod na pagod naman ang mga artista sa unit na yun dahil sa kanila ipinasa ang mga eksenang dapat gawin ng isang unit.

Nagagawan pa rin ng paraan, pero talagang dusa at meron talagang apektado.

At least nairaraos, walang napa-pack up na taping at natatapos pa rin kahit merong nagkakasakit sa kalagitnaan ng trabaho.

NOEL FERRER

Witness ako sa mga artistang in the slightest symptom ay napapa-stop taping para sundin ang protocols. Kaya hindi lang si Paolo Gumabao ang apektado roon.

Buti na lang, may produksiyong sumalo sa kanya.

At kahit sinasabing bumaba na nga ang mga kaso ng COVID at unti-unti nang nagbubukas ang mga industriya, ibayong ingat pa rin ang kailangan.

Meron akong personal na kaibigan na ngayon pa tinamaan ng sakit. Pati ang kapatid ng ating Pinoy-London actor na si Joaquin Valdes ay namatay dahil sa kumplikasyon ng pandemya.

We cannot let our guards down only to be sorry after… Hayyy, ibayong ingat pa rin talaga!

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.