Press "Enter" to skip to content

Philippine books, Team Manila-designed booth tampok sa 73rd Frankfurt Book Fair

Kabilang ang Pilipinas sa mga lumahok sa 73rd Frankfurt Book Fair sa Frankfurt, Germany, ang “world’s largest trade fair for books.”

Nagbukas ang book fair noong October 20, 2021 at tatagal hanggang October 24.

Itinuturing din na “Olympics of the publishing world” ang Frankfurt Book Fair dahil sa malaking role nito sa international deals and trading ng mga publishers mula sa iba’t ibang bansa.

Sa pamamagitan ng Frankfurt Book Fair, ang mga aklat mula sa isang bansa ay napi-print sa ibang bansa gamit ang kanilang lengguwahe. Dahil dito, mas lumalawak ang readership at nauunawaan ang mga kasaysayan, kultura, at tradisyon ng bansa.

Ito ang ikaanim na beses na paglahok ng ating bansa sa nasabing book fair.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunahan ng National Books Development Board-Philippines, bitbit ang temang “Books Philippines: An Archipelago of Stories.”

THE WORLD DESERVES OUR STORIES

Ibabandera ng Pilipinas sa fair ang akda ng mga Filipino writers na nakasentro sa culture, history, and cuisine para sa iba’t ibang genre, gaya ng contemporary fiction, graphic novels, children’s literature, young adult literature, at non-fiction.

Ilan sa napili ng NBDB-Philippines na local publishers na lalahok sa fair ang Adarna House, Anvil Publishing, Ateneo de Manila University Press, Milfores Publishing, University of the Philippines Press, University of Santo Tomas Publishing House, at Komiket.

Ang makulay na booth ng Pilipinas ay idinisenyo ng creative director and award-winning designer ng Team Manila na si Jowee Alviar (not in picture).

Ang Team Manila ay isang graphic design studio na binuo nina Jowee at Raymund Punzalan noong 2001. Ang disenyo ay naglalarawan ng contemporary Filipino culture.

Noong October 21, nagbigay ng update sa Facebook ang NBDB-Philippines na: “It was a busy first day at the Frankfurter Buchmesse.

“While the number of attendees weren’t as high as pre-pandemic levels, we were still able to get inquiries from Germany, Spain, Luxemburg, Iran, U.S., and Turkey to name a few.

“It’s a shared feeling of finally reconnecting that probably stood out.

“It’s also wonderful to hear compliments about our books and the Philippine booth. We are looking forward to more visitors to stop by and have a chat with us in the coming days.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.