Press "Enter" to skip to content

Pornstar 2 newbie sexy stars, inireklamo dahil sa di pagsusuot ng robe at di paggamit ng plaster

Mabilis na gumawa ng ingay ang official trailer ng Pornstar 2: Pangalawang Putok nang ilabas ito sa iba’t ibang mga social media platform ngayong Lunes ng gabi, November 8.

Ito ay dahil sa mga brutal na dialogue ng mga artista at sa mga sexy scene ng sequel ng blockbuster movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Mga bida ng Pornstar 2 ang original stars ng Pornstar 1 — sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.



Maui Taylor, Ara Mina, Alma Moreno, and Rosanna Roces

Ayon sa direktor na si Darryl Yap, mas nakakatawa at matitindi ang mga eksena ng Pornstar 2 dahil sa mga bagong rebelasyon ng mga dating sex symbol ng Philippine cinema.

“Sa Pornstar 1, nagbanggit sila ng mga true-to-life experience nila bilang mga sexy star.

“Eto naman, napag-usapan nila yung mga best leading man, best kiss, mga muntik nang magkatotohanang sex scenes na gustong idiretso, mga ganyan na usapan.

“Very candid. This is what I like with the four of them, aside from being great artists, they’re great human beings at nagre-reflect ‘yon sa apat na bagong aktres,” sabi ni Darryl tungkol sa diumano’y mga bagong pasabog na mapapanood sa Pornstar 2.

Ipinakikilala sa Pornstar 2 sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misola, at Stephanie Raz.

Ginampanan ng apat ang mga karakter nina Gabriela, Melchora, Trinidad, at Josefa—ang aspiring sexy stars na tuturuan nina Alma, Rosanna, Ara, at Maui.



Sa naganap na mediacon ng Pornstar 2 ngayong Lunes ng gabi, sinabi ni Darryl na nabigatan siya sa pakikipagtrabaho sa apat na baguhang mga hindi marunong magsuot ng robe at ayaw gumamit ng plaster sa maseselang eksena ng pelikula.

“Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set ‘yan, nakikita ko yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap yung kalooban ko.

“Nagrereklamo ako kay Boss Vic [del Rosario, Viva Communications Inc. CEO], sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’

“Sabi ko sa kanila, ‘Magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘Kasi Direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa yung robe.”http://www.pmrsc.com/”

Pinatotohanan ni Ayana ang reklamo ni Darryl dahil inamin niyang hindi na talaga sila nagsusuot ng robe sa set ng Pornstar 2 para takpan ang kanilang mga hubad na katawan.

“Naglalakad kami sa hallway nang nakahubad lang. Ayaw na naming isuot yung robe kasi pagpunta namin sa set, tatanggalin din naman. Same lang naman yung mga tao na makakakita,” pag-amin ng newcomer.

Ayon kay Ayana, hindi pa niya nararanasang magkaroon ng boyfriend, kaya nagulat siya dahil nagawa niya ang mga daring scene na kailangan sa kuwento ng Pornstar 2.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.