Press "Enter" to skip to content

Sexy actress at mapagkalingang male celebrity, nagbunga ang pagmamahalan?

JERRY OLEA

Napahagalpak si Marites sa Tiktok video clip ni Kylie Padilla mula sa 2014 horror film na Dilim.

Ang pangalan kasi ng karakter ni Kylie sa nasabing movie na nagtatampok din kina Rayver Cruz at Ella Cruz ay… Maritess.

Napaantanda naman ng krus si Marites sa cheese-miss na nagkakamabutihan na ang isang pogilicious actor at sexy actress.

Batid kasi ni Marites na ang greatest love ni sexy actress ay ang mapagkalingang male celebrity.

Selos to the max nga si sexy actress kapag may mga dilag na napapalapit sa kanyang pinakadakilang pag-ibig.

Nahahabag si Marites kay pogilicious actor na “ginamit” ng dating ka-love team sa kaharutan nito.

Hanash ni Marites, “Umiwas na sana si pogilicious actor sa mga babaeng user-friendly.

“Tamis-tamisan ang pakikitungo sa kanya ni sexy actress dahil sa isang lihim sa dilim.”

Ano kamo ang dark secret?

Umismid si Marites sabay tikwas ng kilay at kunwari’y umire, “Araguuuy!!! Usap-usapan sa Mosang Academy na si sexy actress ay magatas na sa dibdib, at magastos sa lampin!

“May iniluwal siyang pandemic baby courtesy ng mapagkalingang male celebrity!”

GORGY RULA

Nagtataka nga ako, bakit kumakalat ang ganitong tsismis. Parang visible naman si sexy actress sa social media.

Pero sabi ng ibang napagtanungan namin, matagal na raw kuha ang lumalabas sa ilang vlogs.

Ang isyung buntis ang mahirap talaga itago. Bubulaga at bubulaga ang buong katotohanan.

Sa panahon ng pandemya na hindi nagkikita nang face to face, kaya talagang itago ang pagbubuntis.

Matagal na ang relasyon nila at, sa totoo lang, itong si sexy actress pa raw ang sobrang inlababu kay mapagkalingang male celebrity.

Kaya hindi na nakakapagtaka kung nagbunga man ang kanilang pagmamahalan.

Totoo bang kinu-consider pa rin itong si sexy actress sa malaking project ng isang TV network? Ssshhh…

NOEL FERRER

Una, is there truth in advertising?

Mahirap kung nagtatago, lalo pa’t gusto mong kunin ang tiwala ng tao… sa showbiz man o sa politika. Ano kaya ang pupuntahan ng kuwentong ito?

Birds of the same feather… like water, it’ll find its level… Good luck na lang.

HOT STORIES

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.