Press "Enter" to skip to content

Tonton Gutierrez beats COVID-19; urges everyone to get vaccinated

Ang aktor na si Tonton Gutierrez ay isa rin sa mga artistang nag-positibo sa COVID-19 kamakailan lang.

Nagte-taping siya noon para sa napapanood ngayong month-long episode ng GMA-7’s Daig Kayo ng Lola Ko: “It’s Not You, It’s Me” nang mag-positibo raw siya sa virus.

Kaya pansamantalang naantala ang taping nito dahil kinailangan munang mag-quarantine ni Tonton.

Ayon kay Tonton nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na solo online mediacon niya noong October 8, “It happened during the taping of ‘It’s Not You It’s Me.’

“Parang sa third day of taping dapat, hindi natuloy because I was tested positive. But the good thing about it, I didn’t feel anything. I was very fine.

“Di ba, merong mga sinasabi na anxiety will kill you or makes you worry, di ba?

“Ako naman, wala naman akong gano’n. Wala akong hinihintay kung meron akong mararamdaman, wala akong iniisip na gano’n.

“I was very fine, I didn’t feel anything. Ginawa ko lang yung quarantine of 14 days. And on the 14th day, nagpa-PCR na ‘ko and it was negative.”

Ang PCR o Polymerase Chain Reaction ang pinaka-common na proseso sa kasalukuyan para ng malaman kung may COVID-19 virus sa katawan ang isang tao.

Sa isang kuwarto lang daw nila sa bahay nag-isolate at nagpalipas ng 14 days si Tonton.

At dahil naranasan na raw niya na epektibo talaga ang naka-fully vaccinated na, nirerekomenda niya raw talaga na magpabakuna na ang lahat.

“Yun nga ang sabi ko, thank God you know, the vaccine worked. Yun ang masasabi ko talaga na it works kasi I didn’t feel anything.

“Ako nga, I would tell my friends na yung mga hindi pa nagpapa-vaccine, magpa-vaccine na sila because it’s really important. I’ve been in that situation and buti na lang I didn’t feel anything.”

Wala rin daw nahawa sa kanya sa kahit sinong miyembro ng pamilya niya o kasama nila sa bahay.

Ayon pa kay Tonton, “We had everyone tested. They were all negative.”

celebrating pandemic Christmas

Habang nasa Zoom mediacon, kapansin-pansin na sa likuran niya ay ang nakatayo na nilang Christmas tree.

Kaya tinanong na namin si Tonton kung paano ba nila ipagdiriwang ang ikalawang Pasok sa ilalim ng pandemya.

“Alam mo, wala pa kaming plano, we’ll just take it by the day. It really depends and as much as possible, ganitong medyo pandemic tayo, less na muna ang social gathering. Talagang social distancing muna tayo.

“Well of course, ang pinakaano is being with my mom, the mom of Glydel [Mercado, his wife]. The family of Glydel and my family.

“Kumbaga, intimate lang. Wala na munang mga parties. Siguro medyo matatagalan pa yung mga panahong yun, ano?”

Kaya raw maagang naitayo ni Glydel ang Christmas tree nila ay dahil pareho silang papasok sa magkahiwalay na lock-in taping sa mga susunod na araw.

“Baka kasi wala nang time na mag-décor, kaya inagahan na namin ang decoration,” nakangiting sabi ng aktor.

entering politics

Matagal na ring artista si Tonton at kung tutuusin, halos ang mga naging kasabayan niya noon, karamihan sa mga ito ay sumubok o nasa pulitika na ngayon.

Sa panahon ngayon na nalalapit na ang eleksiyon, naitanong namin kay Tonton kung hindi ba niya naisip na pasukin din ang mundong ito.

Nangiting sagot naman niya, “No. I have friends who are in politics but sabi ko nga, mukhang hindi, mukhang wala sa dugo ko yung politics.

“I’d rather help people in my own little way than probably in politics. So hands off ako riyan. Simpleng buhay lang ako.”

Inamin naman ni Tonton na may mga nag-aalok at nanghihikayat talaga sa kanya dati na pasukin na ang mundo ng pulitika.

“Oo, meron, even in our province in Pampanga,” saad niya.

“Merong mga nagpapasaring or nagtatanong, ‘Gusto mo bang pumasok ng politics? Sabi ko, ‘No, pass ako diyan.’

“I’d leave it to the politicians and I’ll just be here, dito lang ako.”

switching bodies with pokwang

Sa isang banda, natutuwa raw si Tonton kapag nakakagawa siya ng mga proyekto na alam niyang marami ring bata ang maaaring makapanood.

Tulad nga ng Daig Kayo ng Lola Ko: “It’s Not You, It’s Me” na napapanood tuwing Linggo ng 7:00 p.m. kunsaan, role ng mag-asawang nagkapalit ng mga katawan ang ginagampanan nila ni Pokwang.

Challenge daw para kay Tonton ang role niya rito.

“Well, the truth is, sa ‘It’s Not You, It’s Me,’ when I read the script, nasabi ko na, ‘Uy, kakaiba ‘to, ah!’

“So parang ito, nag-switch na role being a father to the mother. Sabi ko, napakaganda nito, ang sarap gawin.

“Minsan kasi, sa dami ng ginagawa mo, most of the time kasi, ang ginagawa ko drama. Masyadong mabigat.

“Ito, magaan, kasama mo pa si Pokwang. So talagang sabi ko, I was really excited but at the same time, siyempre, may konting kaba rin ako.

“Paano ko gagayahin yung acting ni Pokwang?

“Kasi, ano siya, kapag nagsasalita siya, magalaw. Ako naman, hindi naman ako gano’n, di ba?

“So sabi ko, it’s really challenging and I was excited when I read the script.”

Nakasama na rin daw niya dati si Pokwang kaya inobserbahan niya lang ito at sabi nga niya, “Okey naman, I guess it turned out okay.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.