Press "Enter" to skip to content

Willie Revillame, bibigyan ng bonus ang staff ng Wowowin

Masaya at nagbubunyi ang staff ng Wowowin: Tutok To Win dahil may bonus silang matatanggap mula kay Willie Revillame.

Lubos ang pasasalamat ni Willie dahil sa magaganda at mga positibong mensaheng nakarating sa kanya nang magdesisyon siyang huwag kumandidatong senador sa halalan sa May 9, 2022.

Kusang-loob ang pagbibigay ni Willie ng bonus sa mga tauhan ng kanyang top-rating program sa GMA-7 na nangambang mawawalan na sila ng trabaho kung natuloy ang senatorial bid niya.

“Lahat may bonus. Share your blessings. Lahat kayo bibigyan ng bonus,” ang salitang binitiwan ni Willie sa live broadcast ng Wowowin ngayong Biyernes, October 8.

“Alam niyo bakit? Bago ako nagsalita kahapon, ilang araw silang nangangamba. Akala nila, magpapaalam na akong tunay, so lahat ho sila medyo malungkot.

“Noong panghuli na, nag-iiyakan na ho ‘yan. Ano raw ang magiging trabaho nila? Kung saan raw sila pupulutin.

“Hindi, dito pa rin kami. Dito pa rin ang programang ito. Hindi mawawala ito hanggang may nalulumbay at nalulungkot.

“Mapapasaya namin kayo araw-araw. Yun ang importante, Monday to Friday, tuluy-tuloy po ang saya natin.”

WILLIE’S DECISION

Galak na galak si Willie sa mga email at text message na natanggap mula sa mga kaibigan, kasamahan sa industriya, at sa publiko na pinuri ang kanyang pasyang huwag pasukin ang mundo ng pulitika.

Dahil dito, muling nagsalita si Willie tungkol sa naging pasya niya.

Saad niya, “Dapat talaga dito ka lang. Huwag mong akyatin yung hindi mo kayang akyatin. Kung hanggang saan ka lang, doon ka lang.

“Ngayon, mag-aral ka, pag-aralan mo. Gusto mong gawin ‘yan in the future para kapag sumabak ka.

“Kasi, alam niyo sa buhay, dapat lagi kang equipped. May dala kang bala, baril sa giyera, sa laban, kasi ang puso mo, busilak.

“Hindi naman puwedeng puso lang nang puso. Dapat may pag-iisip ka din kasi ang ginagawa mo dito [senado], e, batas.

“Overwhelming po kasi yung naging response.”

Patuloy ni Willie, “Lord, marami pong salamat. Thank you po, I made the right decision because kailangan kong tulungan ang sarili ko.

“Kailangan alam ng sarili ko kung ano ang kakayahan ko dahil kapag niloko ko ang sarili ko, niloloko ko na kayong lahat.

“Ang totoo niyan, hanggang dito na lang ho muna ako. Mahirap kasi yung wala kang maiko-contribute tapos, ‘Tbinoto ko ‘yan, wala naman palang kuwenta ‘yan.’

“Ang sakit ho nun. Masisisi ka pa.”

Sabi pa ng TV host, “Dito sa programang ito, walang away. Walang sigawan, walang nagdedemandahan.

“Kasi, it’s all positive, pero negative sa sakit. Yun ho ang importante.

“Sana ho maintindihan ninyo ang kalagayan ko dahil totoo naman po yun, ang alam ko lang naman, e, magpatawa, magpasaya, at sa abot-kaya ko, yung makatulong kahit maliit lang.

“Mahirap… saka isipin niyo, puwedeng-puwede kang manalo. Top ten ka.

“Pero papaano kapag nandoon ka na, anong gagawin mo?

“Dito, marami akong gagawin. Mamimigay ng jacket, mamimigay ng tablet, mamimigay ng hoodie, mamimigay ng mga pangangailangan niyo…”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.